Kinalampag ni House Committee on National Defense and Security Vice Chairman at Muntinlupa Lone District Rep. Ruffy Biazon ang kamara na umpisahan na ang hearing kaugnay sa pag-de-deploy ng China ng missile system sa Spratly Islands.
Ito’y matapos magpadala ang Tsina ng nuclear-capable bomber aircraft sa isang bahagi ng pinag-aagawang teritoryo.
Ayon kay Biazon, dapat ng madaliin ng kamara ang pagdinig sa Resolution 1855 na humihimok na mag-convene ang nabanggit na kumite upang talakayin ang posibleng paglala ng military presence ng China sa West Philippine Sea.
Sa ilalim naman ng Resolution 1856, pina-iimbestigahan ang deployment ng missile system sa mga pinag-aagawang isla.
Iginiit ng kongresista na dapat seryosohin ang naturang usapin dahil banta ito sa seguridad ng bansa.
(With report from Jill Resontoc)