Sinimulan na ng House Committee on Legislative Franchise ang preliminary proceedings hinggil sa mga panukalang i-renew ang prangkisa ng ABS-CBN.
Hiniling ni House Panel Chair Franz Alvarez sa isang formal motion sa pagdinig sa mga kinauukulang indibidwal na magsumite ng kanilang position paper pabor o kontra sa renewal ng nasabing prangkisa.
Rerepasuhin muna aniya nila ang mga nasabing position papers bago simulan ang pagsasagawa ng pormal na pagdinig.
Nilinaw ni Alvarez na ang pormal na pagdinig sa ABS-CBN franchise bills ay magsisimula sa Mayo o Agosto. — ulat mula kay Jill Resontoc (Patrol 7)