Tuluy-tuloy ang pagdinig ng Senate Blue Ribbon Subcommittee hinggil sa war on drugs ng nakalipas na administrasyon.
Sa katunayan, ipinabatid ni Subcommmittee Chair Senate Minority Leader Koko Pimentel na magpapatawag siya ng mga pagdinig pa ngayong buwan para matututukan ng husto ang nasabing usapin.
Sinabi ni Senador Pimentel na naamiyendahan na ang rules ng Senado kaya’t dadalhin na ng subcommittee ang prerogative ng mother committee na magpa-cite in contempt.
Tiniyak ni Senador Pimentel na mahigpit na bubusisiin ang usapin ng war on drugs partikular ang sinasabing cash reward sa hanay ng pnp para sa mga mapapatay na drug suspect.