Kahit higit 7 buwan nang kasal ang mag-asawa ng si Senator Chiz Escudero at Heart Evangelista ay hindi naman pala sila magkasama sa iisang tahanan.
Kuwento ni Senator Chiz, ito ay dahil hindi naman kalakihan ang kanyang townhouse ganun din ang inuupahang bahay ng kanyang misis na hindi naman kalayuan.
Kaya naman ang sitwasyon pala ay pagkatapos na mapatulog ang kanyang kambal na anak sa gabi ay eeskapo na ito patungo kay Heart para magpalipas ng gabi.
Gigising naman ng maaga ang senador para bumalik sa kanyang bahay para ihatid sa eskwelahan ang kanyang mga anak.
Dahil dito, isang bonggang bahay ang ipinagawa ng aktres sa Quezon City.
Malaki ito para kasya ang kanilang buong pamilya at ang mga darating pang baby ng mag-asawa.
Pagkatapos ng bahay, maaari na daw sabihin ni Senator Chiz na siya pa ang ibinahay ni Heart.
By Rianne Briones