Magkasamang nagdiwang ng bagong taon ang mag-asawang celebrity na sina Heart Evangelista at Sen. Chiz Escudero.
Ito’y matapos ibinahagi ng aktres sa kanyang facebook account ang larawan nilang dalawa na magkaholding hands.
Nakasaad sa caption ni Heart na “Happy 2023″.
Dahil dito, naging malinaw sa mga netizen ang usap-usapan hinggil sa paghihiwalay ng nina Chiz at Heart.
Matatandaang, pagkatapos lamang ng pasko, tinag ni Heart si Chiz sa Instagram at sinabing “See You Soon” na ikinatuwa naman ng mga fans. —sa panulat ni Jenn Patrolla