Ibinalita ni Heart Evangelista ang pagiging bahagi niya ng pamilya ng isang sikat na designer bag sa Paris.
Sa kaniyang Instagram account, ipinost ni Heart ang kaniyang litrato bitbit ang handbag at makikita ang background niyang Eiffel Tower.
Sinabi ni Heart sa caption na masaya siyang ibahagi sa lahat ang pagiging bahagi ng Sequoia Paris Family na kilalang gumagawa ng mga leather bag, hand bag, purse at iba pang leather goods.
Inamin ng misis ni Senator Chiz Escudero na matagal na siyang fan ng leather handbags ng nasabing kumpanya kayat malaking karangalan sa kaniya na maging bahagi ng isang luxury French label.
—-