Aminado ang Kapuso actress na si Heart Evangelista na kailangan niyang talikuran ang maraming bagay sakaling tuluyan nang magpasya ang kanyang mister na si Senator Chiz Escudero na tumakbo sa pagka-Bise Presidente sa 2016 elections.
Ayon kay Mrs. Escudero, kasama na dito ay ang kanyang mga shows, endorsements at hosting jobs.
Maging ang kanyang hobby na pagpipinta ay kanya rin maisasantabi upang ibigay ang kanyang buong pagsuporta sa kanyang asawa.
Aminado si Heart na hindi sya nakikialam sa mga desisyong politikal ng kanyang asawa ngunit anuman ang mapagpasyahan nito ay buong puso niyang susuportahan.
By Rianne Briones