Napili ng Vogue Singapore si Heart Evangelista bilang isa sa 16 best dressed fashion icons sa Paris Fashion Week.
Sa nasabing event, suot ni Heart ang yellow plaid dior coat na may white button down at lace skirt.
Ang miyembro naman ng Blackpink na si Jisoo, na may outfit na halos kapareho ng yellow plaid preppy look ni Heart ay napabilang din sa listahan.
Hinirang din na best dressed icons sina Rihanna, Chiara at Valentina Ferragni Alexa Chung, Victoria at Romeo Beckham, Mark Tuan at Úrsula Corberó, Lila Moss, at Anya Taylor-Joy.