Matapos i-slay ang red carpet ng Cannes Film Festival, kinabog muli ni Heart Evangelista ang mga manonood sa isang movie screening ng event.
Looking classy at glamor si Heart suot ang sky blue-colored gown na may mahabang trail.
Dumalo sa event ang aktres para manood ng ‘’Un Petit Frere” sa 75th Annual Cannes Film Festival sa France noong Biyernes.
Ito ang unang beses na bumisita sa Cannes si Heart matapos maging suki sa mga event sa France tulad ng Paris Fashion Week.
Maliban sa Cannes Film Festival, nasa France din ang aktres para dumalo sa Gala Event para sa AMFAR, isang non-profit Organization na tumutulong sa Aids Research.