Isang malaking project ang pinagkakaabalahan ni Kapuso Star Heart Evangelista-Escudero
Ayon kay Heart ito ay ang pagkakaruon nila ng sariling baby ng asawang si Senador Chiz Escudero
Sinabi ni Heart na sigurado nang sa February 2017 nila sisimulan ni Chiz ang pagbuo ng kanilang bundle of joy at talagang naka schedule ito dahil na rin sa dami ng kaniyang inaasikaso ngayon
Inihayag ni Heart na ang pagbubuntis para sa kaniya ay isang malaking project kayat inihahanda na niya ang kaniyang katawan at sistema para rito
Bahagi aniya ng paghahanda nila ang pagsu swimming, pagba bike at muling pagtakbo
Ipinabatid ni Heart na nais niya munang matiyak na nakalipat na sila ng bahay at maayos na maayos ang relasyon nila ng mga anak ni Chiz na sina Chessie at Joaquin bago siya magkaruon ng sariling anak
Nais niyang lalaki ang maging panganay na anak nila ni Chiz at isusunod niya rito ang pangalan kapag natuloy na lalaki nga ang ipapanganak niya
By: Judith Larino