Isa si Heart Evangelista sa mga naimbitahang dumalo sa prestihiyosong Le Bal Des Debutantes sa Paris, France.
Sa Instagram, ibinahagi ni Heart ang ilang mga kaganapan sa nasabing event kung saan kasama nito ang Philippine Tatler editor na si Anton San Diego at mag-asawang aga Muhlach at Charlene Gonzales.
Isinaad din ng Aktres kung gaano siya ka-proud sa anak nina Aga at Charlene na si Atasha na nagsilbing kinatawan ng bansa para sa nasabing event.
Ang Le Bal Des Debutantes ang tanging charity ball sa buong mundo kung saan ang mga attendees ay nakasuot ng couture at haute couture.
Isa itong by-invitation-only ball kung saan iniimbitahan ang dalawampung kababaihan na anak ng mga high-profile personalities, hollywood elite, royal houses, at mga pamilya na may prestihiyosong backgrounds.