Naibahagi ng aktres na si Heart Evangelista sa L’officiel Philippines na sumailalim siya sa In vitro fertilization (IVF) treatment at tatlong injections kada araw ang ini-inject sa kanya.
Natapos na ni Evangelista ang dalawang linggong IVF injection na kung saan puwede na siyang magkaanak.
Naikwento niya na mahirap at masakit ang proseso ng nasabing injection.
Napatanong ang artista kung handa na ba siya para magka-anak, o gusto niya lang ng anak dahil sa paligid at kultura ang nagdidikta na dapat magkaroon na siya ng anak.
Subalit sa kasamaang-palad noong 2018, nakunan ang aktres at tinawag niya itong “worst day of my life”
Gayunman, nasa Paris na si Heart para sa Paris fashion week spring o summer 2023.—mula sa panulat ni Jenn Patrolla