Ginawaran ng Heart of Education Award ang isang Pilipina special education teacher sa Amerika na si Ella Wagan-Nava dahil sa dedikasyon nito sa pagtuturo.
Si Wagan-Nava ay ang kauna-unahang Pilipinong nakatanggap ng naturang parangal na kinikilala ang mga natatanging guro sa clark county schools sa Las Vegas, Nevada.
Ayon sa Pinay masaya ito sa ginagawa niyang pagtuturo sa mga batang may special needs bagama’t maraming hamon sa pagtuturo sa mga batang tulad ng mga ito lalo na sa kasagsagan ng COVID-19 pandemic kung saan napilitan silang lumipat sa online at hybrid learning mula sa nakasanayang face-to-face classes.