Dinagsa ng mga deboto ang hindi naagnas na heart relic ni Santo Padre Pio Pietrelcina sa University of Santo Tomas (UST) sa Sampaloc, Maynila.
Hindi natinag ang mga deboto sa mahabang pila na inabot hanggang Dapitan at P. Noval streets sa kabila ng biglang buhos ng ulan, dakong hapon.
Ayon kay Father Louie Coronel, parish priest ng UST Santísimo Rosario Parish, malapit ang mga Katoliko kay Padre Pio dahil sa mga-aral nito kaugnay sa pananampalataya sa diyos.
Karaniwan anyang nananalangin kay Padre Pio ang mga nais gumaling mula sa sakit.
Nakilala ang santo dahil sa stigmata o mga sugat na kahalintulad ng kay Hesu Kristo nang ipakot ito sa krus.