Muling ipatutupad ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang “heat stroke break” para sa kanilang mga tauhan na nagtatrabaho sa lansangan simula sa Marso 25.
Ayon kay MMDA Traffic Discipline Office Head Cris Saruca, bibigyan nila ng 30-minute break ang mga traffic constable at street sweeper sa kanilang walong oras na duty simula sa March 25 hanggang sa katapusan ng Mayo.
Ang 30-minute break ay ipatutupad sa pagitan ng alas-11:00 ng tanghali at alas-3:00 ng hapon.
Sinabi rin ni Saruca na sakaling pumalo sa 40 degrees celsius ang temperatura, bibigyan ng karagdagang 15-minute break ang mga constable at street sweepers para hindi mahilo dulot ng matinding init ng panahon.
By Meann Tanbio