Posibleng bumaba na ang heat index o ang init na nararamdaman sa bansa sa susunod na mga linggo.
Ayon sa Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), ito ay dahil pagpasok ng hanging habagat na magdadala ng ulan sa kalagitnaan ng Hunyo.
Kahapon ay umabot na sa 45 degree celsius heat index na Metro Manila kung saan maituturing na nasa danger o delikado ang heat index kapag pumalo na ito simula 41 degree celsius hanggang 55 degrees celsius.
By Rianne Briones