Ibinabala ngayon ng Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) na posibleng umabot sa mapanganib na lebel ang heat index sa Tuguegarao City.
Ayon sa PAGASA, ang Tuguegarao ang makakaranas ng pinakamainit na temperatura sa buong bansa na posibleng umabot sa 41.4 degrees celsius na heat index.
Ipinaliwanag ng PAGASA na ang heat index ay init na nararamdaman ng katawan.
Ang 32 degrees celsius hanggang 41 degrees celsius na heat index ay posibleng makapagdulot ng heat cramps at heat exhaustion.
By Ralph Obina