Muling nagbabala ang Department of Health (DOH) sa publiko laban sa heat stroke sa gitna ng patuloy na nararanasang init ng panahon.
Ayon kay DOH Secretary Francisco Duque III, maaaring magdulot ng organ failure ang pagkaranas ng heat stroke na posibleng ikamatay ng isang tao.
Payo ni Duque sa publiko, iwasan muna ang pag-gawa ng labis na aktibidad sa ilalim ng matinding sikat ng araw at uminom ng maraming tubig.
Samantala bukod sa heat stroke ay nagpaalala rin si Duque na maging maingat sa mga inihahandang pagkain lalo na’t madali itong mapanis dahil sa mainit na panahon.