Dumami pa ang mga bansang apektado ng wildfire bunsod ng heat wave sa Europa.
Apat na araw nang inaapula ng mahigit isanlibong (1,000) bumbero ang wildfire sa Monchique, Portugal maging sa Southern Spain.
Apatnapu’t apat (44) na katao na ang na-ospital sa Portugal matapos makalanghap ng usok.
Ramdam na rin sa France ang matinding init dahilan upang pansamantalang ipasara ang apat na nuclear reactors at ipagbawal sa tatlong lungsod ang paggamit ng kotse upang makaiwas sa polusyon.
Apektado rin ng heat wave at nakararanas wildfire ang Norway, Sweden, Finland, United Kingdom, Ireland at Greece.
—-