Malaking hamon umano sa MMDA ang mga heavily tinted vehicle na dumadaan sa HOV o High Occupancy Vehicles sa EDSA.
Batay sa monitoring sa unang araw ng dry run sa HOV lane pumapalo sa halos 1,300 sasakyan ang nahuling hindi sumunod sa paggamit sa HOV lane.
Nasa mahigit 1,000 rin ang lumabag sa unang araw ng pagpapatupad ng HOV lane gamit ang high definition security cameras at monitoring sa MMDA Metro Base Command Center.
Samantala sa pamamagitan ng handy camera 12 ang sumunod sa bagong traffic reduction scheme at 48 ang lumabag.
Subalit halos 4,000 sasakyan ang hindi mabatid kung sumunod o hindi sa HOV lane dahil heavily tinted ang mga ito.
Sa HOV lane policy ang mga sasakyan na may sakay na higit sa isa kasama na ang driver ay maaaring gamitin ang fifth lane o linyang katabi ng MRT.