Pinaalalahanan ng Metropolitan Manila Development Authority o MMDA ang mga motorista ngayong araw.
Ito’y dahil sa nakatakdang motorcade ni Ms.Universe Pia Wurtzbach na nagbalik bansa nitong Sabado.
Ayon kay Charlie Nozares ng MMDA Metrobase, tiyak na doble ang magiging pasakit ng mga motorista dahil bukod sa normal na mabigat na daloy ng trapiko, madaragdagan pa ito ng isasagawang motorcade sa ilang piling lugar sa Metro Manila.
Simula alas-2:00 ng hapon ngayong araw inaasahang magiging mabigat ang daloy ng trapiko sa mga sumusunod na kalsadang dadaanan ng motorcade: Hotel Sofitel hanggang V. Sotto, Jalandoni, Bukaneg, Padre Burgos, N. Lopez, A. Villegas, Taft Avenue, Quirino Avenue, Roxas Blvd., Buendia, Ayala Avenue, Rustan’s Makati, at ilang bahagi ng EDSA.
Inabisuhan naman ng MMDA ang mga maaapektuhang motorista na gumamit ng mga itinalagang alternate routes.
By Jaymark Dagala