Isinisi ni Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Chairman Francis Tolentino, sa sabay-sabay na road repairs at pag-aayos ng mga kalsada, ang mabigat na daloy ng trapiko sa Metro Manila.
Ayon kay Tolentino, bukod sa hindi natatapos sa tamang oras ang mga road repair, karamihan din sa mga ito ay ginagawa sa umaga, dahilan para mas magbigat ang daloy ng trapiko kapag rush hour.
Iminungkahi din ni Tolentino ang pagkakaroon ng batas na mag-aatas sa lahat ng road at bridge repairs, na gawin sa gabi at tapusin sa itinakdang oras.
By Katrina Valle | Aya Yupangco (Patrol 5)