Pumanaw na ang kilalang original Pilipino music legend at folk singer na si Heber Bartolome sa edad na 73.
Ito ay kinumpirma ng kaniyang kapatid na si Jesse, kung saan sinabi niya na nakatanggap siya ng tawag nitong Lunes ng gabi na nawalan daw ng pulso si Heber at dadalhin na sa veterans Memorial Medical Center sa Quezon City ngunit makalipas aniya ang ilang minuto ay tuluyan na itong binawian ng buhay.
Ibinahagi rin ni Jesse na mahigit isang taon nang may bato sa prostate si Heber na hinihinala ng pamilya na ito raw ang sanhi ng pagkamatay.
Si Heber ay naging pinuno ng Filipino society of composers, authors and publishers incorporated o FilSCAP at ang tinig sa likod ng mga awiting ‘Nena’, ‘istambay’ at tayo’y mga Pinoy.—mula sa panulat ni Airiam Sancho