Mabibigyan na ng pagkakataon ang mga kulang sa height para makapagsilbing otoridad sa gobyerno.
Batay ito sa panukala ni Senador Ronald Bato Dela Rosa na Height Equality Act kung saan ibababa ang minimum height requirement para makapasok sa PNP, Bureau of Fire Protection, BJMP at Bureau of Corrections.
Nakasaad sa panukala ni Dela Rosa na ibababa sa 5’2 mula sa 5’4 ang requirement para sa mga lalaki at ibababa naman sa 5 feet mula sa 5’3 para sa mga kababaihan.
Mananatili namang walang height requirement sa mga miyembro ng indigenous peoples group o cultural minorities bilang kunsiderasyon sa hangganan ng kanilang genetic heigh potential o potensyal na tumangkad pa.
Sinabi ni Dela Rosa, dating PNP chief na dapat ibaba ang height requirement para mabigyan ng pagkakataong makapagsilbi ang mga kulang sa height.
Hindi aniya masusukat sa taas o tangkad ang sakripisyo, dedikasyon at pagsisilbi kundi sa pagganap sa mga tungkulin at responsibilidad. —ulat ni Cely Ortega-Bueno (Patrol 19)