Isinusulong sa kamara ang panukalang Anti-Height Requirement Law o House Bill 7740 na layong tanggalin ang pagtatakda ng height requirement sa mga uniformed personnel.
Ayon kay ACT-CIS Representative Eric Yap, ang pagtatakda ng height requirement ay malinaw na diskriminasyon sa mga taong gustong makahanap ng trabaho o pagkakakitaan.
Pagdidiin pa ni Yap, sa halip na height requirmement ang hanapin, mas makabubuting hanapin ang kakayanan ng isang aplikante at pagkadalubhasa nito sa nais pasukang trabaho o posisyon.
Kasunod nito, kinuwestyon ni Yap ang height requirement sa hanay ng kapulisan at kasundaluhan, mas mahalaga ani Yap, ang maayos na pangangatawan nito, gayundin ang kaalaman nito sa paghawak ng armas.
Iginiit din ni Yap, na ang lahing pinoy ay ‘di katangkaran, kaya’t mas makabubuting alisin na ang height requirement.