Maaari nang matupad ang pangarap na maging pulis ng mga kapos sa height.
Ito ay matapos tanggalin ng National Police Commission (NAPOLCOM) ang height requirement para sa mga nagnanais maging pulis.
Ayon kay NAPOLCOM Vice Chairman at Executive Officer Rogelio Casurao, epektibo ito simula Abril 22 ng taong kasalukuyan kung saan tanging kailangan nakapagtapos ng bachelor’s degree ang aplikante at hindi lalagpas sa edad na tatlongpu (30).
Maliban dito, inanunsyo ng NAPOLCOM na maaari nang magamit ng mga aplikante ang kanilang online examination application scheduling system na makikita sa website ng NAPOLCOM na www.napolcom.gov.ph.
Ang mga interesadong maging pulis ay maaaring mag-sign up mula Enero 29 hangang Pebrero 2 para sa Philippine National Police (PNP) entrance exam;
Pebrero 5 hanggang 9 para sa police officer exam, habang sa Pebrero 12 naman ang deadline para sa pagsusulit ng mga nagnanais maging senior police officer, inspector at superintendent.