Nakatakdang itaas ng Pambansang Pulisya ang heightened alert sa buong bansa sa Huwebes, Oktubre 29.
Ito’y ayon kay PNP Chief Director General Ricardo Marquez ay bilang bahagi ng paglalatag ng seguridad para sa nalalapit na paggunita sa Undas.
Gayunman, sinabi ni Marquez na ibinibigay na niya ang bila sa mga police commander kung kailangan pang itaas ang alert status depende sa mga sitwasyon sa iba’t ibang lugar na kanilang nasasakupan.
Bukod sa pagbabantay sa mga himlayan o sementeryo, kanila ring tutulungan ang iba’t ibang ahensya ng gubyerno sa pagmamando ng trapiko.
Tatagal hanggang sa Nobyembre 3, araw ng Lunes ang heightened alert status kung saan, inaasahang nakabalik Maynila na ang mga nagsi-uwian sa kani-kanilang mga lalawigan.
By Jaymark Dagala