Tiniyak ng National Capital Region Police Office o NCRPO na sapat ang kanilang puwersa sa kauna-unahang Sate of the Nation Address ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Hulyo 25.
Kasunod nito, inihayag ni NCRPO Director C/Supt. Oscar Albayalde na itataas na nila sa heightened alert status sa Metro Manila sa araw ng Biyernes
Dagdag pa ng opisyal, maliban sa kanila, may mga naka-antabay ding puwersa mula sa Armed Forces of the Philippines sa buong kalakhang Maynila
Samantala, itataas din ang kaparehong alerto sa Davao City kaugnay pa rin sa unang SONA ng Pangulong Digong sa Lunes
By: Jaymark Dagala