Nananatili ang heightened alert status ng militar sa bahagi ng Central Mindanao
Kasunod ito ng sunud-sunod na pag-atake ng bandidong Bangsamoro Islamic Freedom Fighters o BIFF nitong bisperas hanggang sa mismong araw ng Pasko.
Ayon kay Capt. Joan Petinglay, Spokesperson ng 6th Infantry Division ng Army, karamihan sa mga biktima ay sibilyan mula sa mga lalawigan ng North Cotabato, Maguindanao at Sultan Kudarat.
Dahil dito, umakyat na sa 14 ang bilang ng nasawi at inaasahan na posibleng masundan pa ang mga pagsalakay makaraang magbanta ang rebeldeng grupo.
By: Jaymark Dagala I Drew Nacino