Nananatili ang heightened alert status sa Ninoy Aquino International Airport o NAIA.
Ito’y dahil na rin sa inaasahang pagdagsa ng mga pasahero sa paliparan matapos ang kani-kanilang Holy Week vacation.
Sa ngayon ay nakataas ang alert level one sa NAIA kasunod ng nangyaring pambobomba sa Brussels, Belgium na ikinasawi ng mahigit 30 katao.
By: Meann Tanbio