Bumagsak ang helicopter ng US military sa Western Iraq.
Ayon sa ulat, sakay ng naturang aircraft ang pito katao kabilang ang mga Amerikanong sundalo.
Agad namang rumesponde ang rescue teams at kasalukuyan nang iniimbestigahan ang naturang insidente.
Wala pang ibinibigay na detalye ang mga awtoridad hinggil sa kalagayan ng mga sakay ng helicopter at kung ano ang sanhi ng pagbagsak nito.
Batay sa tala ng US military, nasa mahigit limanlibong (5,000) Amerikanong sundalo ang nasa Iraq para tumulong sa paglaban sa Islamic State.
—-