Iniimbestigahan na ng Civil Aviation Authority of the Philippines o CAAP ang nadiskubreng iligal na itinayong helipad sa isang pribadong residential area sa Xavierville, Quezon City.
Batay ito sa nakuhang report ng CAAP mula mismo sa mga residente sa lugar.
Ayon sa ilang mga taga-Xavierville, halos araw-araw ang paglapag at paglipad ng helicopter sa lugar.
Sa inisyal na pagsisiyasat ng CAAP, napag-alaman na walang permit ang ipinagawang helipad sa ibabaw ng isang gusali na pag-aari di umano ng isang Romeo Ronquillo na isa ring pulitiko mula Pampanga.
Ayon sa CAAP, agad nilang pagpapaliwanagin si Ronquillo at ipatitigil ang operasyon ng nasabing helipad.
–AR/ with report from Raoul Esperas (Patrol 45)
Photo: Screengrab from Raoul Esperas' Video