Ngayong taon, ipagdiriwang ng Sanrio, isang Japanese entertainment company, ang 50th anniversary ni Hello Kitty!
Kabilang si Hello Kitty sa most iconic cartoon characters na patok hindi lamang sa mga bata, kundi pati sa kids at heart.
Bagama’t limang dekada na sa mundo, hindi pa rin alam ng karamihan na hindi isang pusa si Hello Kitty.
Hindi maikakaila na sa unang tingin, mapagkakamalan talagang pusa si Hello Kitty dahil sa kanyang whiskers at pointed ears.
Ngunit ayon sa Sanrio, isa siyang British schoolgirl na nagngangalang Kitty White.
Isa siyang grade 3 student na nakatira malapit sa London kasama ang kanyang parents at twin sister na si Mimmy.
Ibinahagi ng isang anthropologist mula sa University of Hawaii na si Christine Yano na binigyan siya ng Sanrio ng correction sa kanyang script para sa ginagawang exhibition ng beloved cartoon character.
Sinabihan umano siya ng creators na, “She is a little girl. She is a friend. But she is not a cat.”
Sa katunayan, mayroon siyang sariling pusa na si Charmmy Kitty.
Gayunman, nilinaw ng isang spokesperson ng Sanrio na hindi rin naman nila sinabing tao si Hello Kitty, kundi isang gijinka o personification lamang ng isang Japanese Bobtail cat.
Anuman ang tunay niyang pagkatao, hindi maikakailang malaki ang naging impluwensya ni Hello Kitty sa kultura, lalo na sa Asya.