Inilunsad na ng Council for the Welfare of Children (CWC) ang helpline para sa mga biktima ng child abuse at iba pang uri ng pagsasamantala kasabay ng selebrasyon ng National Children’s Month.
Maaaring i-report ang mga kaso ng pang-aabuso sa pamamagitan ng pagtawag sa kanilang helpline, 0915-802-2375 sa Globe at 0960-377-9863 sa Smart.
Ayon kay CWC Public Affairs and Information Chief Elino Bardillon, ang Makabata helpline ay makatutulong sa mga bata, partikular na sa kanilang mental health bunsod ng pang-aabuso at iba pa.
Maaari ring magpadala ng mensahe sa Makabata helpline Facebook page o sa kanilang email, makabata1383@cwc.gov.ph.
Ang ika-30 selebrasyon ng children’s month na may temang “Kalusugan, Kaisipan at Kapakanan ng bawat Bata ating Tutukan” ay naglalayong kilalanin ang karapatan ng bawat bata. – sa panulat ni Hannah Oledan