Inilunsad ng Department of Education ang helpline system para sa mga estudyante at school personnels upang matugunan ang kanilang mental health concerns sa gitna ng COVID-19 pandemic.
Naglaan ang kagawaran sa mga tanggapan nito ng mga poster na naglalaman ng contact details ng mga organisasyon na makapagbibigay ng mental health support services.
Kabilang sa mga organisasyon na bahagi nito ay ang Hopeline Ph, the 700 club asia, COVID-19 mental health responders from the masters psychological services, at circle of hope community services, inc.
Ayon kay Ronilda Co, director ng DepEd disaster risk reduction management service office, ang nasabing helplines ay makapagbibigay ng iba’t ibang tulong upang masuportahan ang mga estudyante at mga personnel.
Sinabi pa ng DepEd na ia-update ang lahat ng contact details ng helpline tuwing Marso at Oktubre.—mula sa panulat ni Hya Ludivico