Siguradong mapapamura si Heneral Luna ngayong hindi nakapasok ang kanyang pelikula sa Top 5 ng Best Foreign Language Film Award ng Golden Globe Awards sa susunod na taon.
Ito’y matapos na ianunsyo ng Golden Globe Committee ang limang pumasok kabilang na ang The Brand New Testament ng Belgium, The Club ng Chile, The Fencer ng Finland, Mustang ng France at Son of Soul ng the Hungary.
Ngunit hindi pa rin nawawalan ng loob ang mga producer ng Heneral Luna, dahil kasama pa rin ang pelikula sa pagpipilian sa 88th Academy Awards para sa kaparehong kategorya.
By Rianne Briones