Nominado ang pelikulang Heneral Luna sa 3 kategorya sa 10th Asian Film Awards na gaganapin sa The Venetian Theatre sa Macau sa darating na Marso 17.
Pasok sa Best Actor category ang bidang si John Arcilla bilang Heneral Luna kung saan makakatunggali niya sina Donnie Yen ng Ip Man 3, Masatoshi Nagase (An), Feng Xiaogang (Mr Six), at Lee Byung-Hun (Inside Men).
Nominado din ang pelikula sa kategoryang Best Production Design at Best Costume Design.
Ang Heneral Luna ay mula sa direksyon ni Jerrold Tarog na ipinakita ang naging buhay ng isa sa mga prominenteng tao sa kasaysayan ng Pilipinas, si Heneral Luna, na kilala bilang isa sa pinakamatalinong military men sa kasaysayan.
Humakot ng magagandang reviews ang pelikula dito sa Pilipinas at napili pa bilang official entry para sa Best Foreign Language Film category sa 2016 Oscars.