Inamin ni Armed Forces of the Philippines Brigadier General Ranulfo Sevilla na bigong makalusot sa Commission on Appointments ang promosyon, na nagkaroon siya ng kabet o ibang babae.
Itinaggi naman ni Brigadier Sevilla ang alegasyon ng child abuse na ipinupukol laban sa kanya.
Ayon sa AFP official, nagkaroon siya ng relasyon sa ibang babae ngunit ito’y pagkatapos lamang niyang maghain ng annulment of marriage laban sa kanyang asawa na si Tessa Luz Reyes-Sevilla.
Dagdag pa ni Brigadier Sevilla, na ang mga kasong paglabag sa Violence Against Women and Children na isinampa laban sa kanya ay na-dismiss na ng korte.
Kamakailan lamang ay bigong makalusot sa C-A ang promosyon ni Brigadier Sevilla matapos itong tutulan ng kanyang asawa.