Bigong makapag-uwi ng paranggal ang pelikulang pambato ng Pilipinas na Heneral Luna sa 2016 Asian Film Awards na ginanap sa Macau.
Nominado ang Heneral Luna sa kategoryang best production design, best costume design at ang bida ng pelikula na si John Arcilla bilang best actor.
Naiuwi ng South Korean actor na si Lee Byung Hun ang pelikulang Inside Men ang Best Actor award.
Samantalang ang ang entry naman ng China na The Assassin ang nagwagi bilang Best Film award.
Ang pelikulang Heneral Luna ay naging pambato din ng bansa sa Golden Globe Awards at sa Academy Awards ngunit kapwa nabigo rin sa dalawang parangal.
Gayunman nananatili pa rin panalo para sa mga Pilipino ang pelikulang Heneral Luna dahil sa muling pagbubukas nito ng kamalayan lalo na sa mga kabataan sa isang mahalagang bahagi ng ating kasaysayan.
By Jenny Valencia