Sinibak na sa posisyon ang hepe ng Angeles city PNP na si Senior Superintendent Jose Hidalgo makaraan ang isang linggo sa pwesto.
Sa panayam ng DWIZ kay Philippine National Police o PNP Region 3 Director Chief Superintendent Aaron Aquino, sinabi niyang walang dahilan na ibinigay ang National Headquarters nang ipag-utos ang pagtanggal sa pwesto kay Hidalgo.
Sa hiwalay na panayam naman, sinabi ni Hidalgo na mismong si PNP Chief Ronald Dela Rosa ang nag-relieve sa kanya nang magtungo ang hepe sa Angeles Pampanga noong Miyerkules.
Sa ngayon, balik sa Regional Headquarters sa Camp Olivas si Hidalgo.
Samantala, itinalaga bilang bagong hepe ng Angeles City PNP si Senior Superintendent Patrick Villacorte.
By: Avee Devierte / Jonathan Andal