Arestado sa entrapment operation ang hepe ng Bocaue Municipal Police sa Bulacan dahil sa umano’y extortion.
Kinilala ang hepe na si Superintendent Juwen Dela Cruz na kasalukuyang nasa kustodiya ng Counter-Intelligence Task Force o CITF.
Inilunsad ang operasyon matapos i-reklamo si Dela Cruz na humingi ng pinakabagong model ng I-Phone na nagkakahalaga ng 75,000 pesos kapalit ng pag-release sa isang sports utility vehicle na narekober mula sa isang drug suspect.
Ayon kay Supt. Joel Estaris, Deputy Commander ng CITF, napag-alaman din nila na humihingi ng bayad si Dela Cruz sa mga may-ari ng mga nahuhuling sasakyan para maibalik ang kanila ang mga unit.
Hindi rin anya ini-record sa blotter ng naarestong opisyal ang limang sasakyan na kinumpiska ng mga tauhan ng Bocaue Municipal Police sa kanilang anti-criminality at anti-illegal drugs operation.
—-