Sinibak na sa kanyang puwesto ang hepe ng PNP sa Jolo, Sulu.
Ayon kay PNP Spokesperson, Brig. General Bernard Banac, ang pagtanggal kay Lt. Col. Walter Annayo bilang hepe ng Jolo PNP ay bahagi ng command responsibility sa nagawa ng kanyang syam na tauhan na nakapatay sa apat na sundalo.
Nilinaw ni Banac na shooting incident ang nangyari sa pagitan ng mga pulis at sundalo at hindi misencounter.
Sinabi ni Banac na base sa kanyang analysis sa mga reports, hindi nakapagpaputok kahit minsan ang mga sundalo at nabigo rin ang mga pulis na i-preserve ang crime scene.