Patay ang chief of police ng Maragusan, Compostela Valley matapos tambangan ng riding in tandem sa Tagum City, Davao del Norte kaninang ala-7:13 ng umaga.
Kinilala ang biktima na si Police Chief Inspector Igtanlok, hepe ng Maragusan PNP.
Ayon kay Chief Inspector Grace dela Peña ng Public Information Office ng Police Regional Office 11, papunta sana sa eskwelahan ang biktima para ihatid ang kanyang anak nang bigla siyang pagbabarilin ng dalawang hindi pa nakikilalang lalaki na nakasakay ng motorsiklo.
Ayon kay dela Peña, nagtamo ng 13 tama ng bala ng baril si Igtanlok at dineklarang dead on arrival.
Ligtas naman ang anak nito na siyang nagsilbing saksi.
Nagsasagawa na ngayon ng follow up investigation ang mga awtoridad sa naganap na insidente.
By Avee Devierte | Jonathan Andal