Dumating sa Pilipinas ang hepe ng Naval Operations ng Republic of Korea na si Admiral Sim Seung-Seob, kahapon Nobyembre 29, para sa 2 araw na official visit.
Sinalubong ito ng Philippine Navy saka nag-courtesy call kay Flag Officer-In-Command Vice Admiral Robert Empedrad.
Sa naging talumpati ni Sim, kanyang binigyang pagkilala ang patuloy na pagsisikap ng Philippine Navy para mapanatili ang magandang relasyon sa South Korean Navy.
Binigyang diin rin ni Sim ang kahalagahan ng Naval cooperation at coordination sa magkakapitbahay na bansa.
Dagdag pa ni Sim, isang mahalagang oportunidad ang kanyang pagbisita sa Pilipinas para mas paigtingin pa ang relasyon ng dalawang bansa.