Magbibitiw si PDEA Chief Wilkins Villanueva kapag napatunayang nagkaroon ng sell bust sa nangyaring engkuwentro ng kanilang mga ahente sa mga pulis Quezon City sa isang mall sa lungsod.
Hinamon ni villanueva ang mga nagpapalutang ng sell bust na maglabas ng ebidensya ng CCTV .
Sinabi ni Villanueva na ayaw na niya sanang magsalita sa isyu dahil nag iimbestiga na ang nbi bagamat tiwala naman siyang lalabas ang katotohanan sa tunay na nangyari.
Ang sell bust ay pagbebenta ng droga ng tauhan ng gobyerno at kabaligtaran naman ng buy bust kung saan nagpapanggap ang mga operatiba na bibili ng droga para matiklo ang suspek.
Lumutang ang report na bago ang barilan ay nakabili umano ang mga pulis ng isang kilo ng shabu na nagkakahalaga ng anim na milyong piso sa umano’y asset ng PDEA.
Hawak umano ng mga pulis ang nabiling droga subalit hindi malinaw kung nabawi nila ang marked money na ginamit na pambili ng droga.