Nagbitiw sa puwesto ang hepe ng pinakamalaking British charity matapos na mabulgar ang sex scandal na kinasasangkutan ng mga volunteer at staff nito.
Kamakailan ay kumalat ang balitang pumatol sa prostitute ang mga staff ng Oxfam International habang naka-deploy sa Haiti noong 2010 eartquake.
Sa pahayag ni Oxfam Deputy Chief Executive Penny Lawrence, nahihiya siyang nangyari sa kanyang pamamahala ang kontrobersiyang kinasasangkutan ng ilan sa kanyang staff.
Aniya, inaako niya ang buong responsibilidad sa nangyaring iskandalo sa Oxfam.
Kaugnay nito, nagbabala naman ang European Union na haharangin ang ipinagkakaloob na 31.7 million Euros sa Oxfam kapag napatunayan na may sala ang mga staff nito.
—-