Ni-relieve na sa pwesto at isinailalim sa restrictive custody ang hepe ng PNP- Philippine National Police-Anti-Illegal Drugs Group na si Supt. Rafael Dumlao III.
Ito’y makaraang idawit si Dumlao ni SPO3 Ricky Santa Isabel sa pagdukot at pagpatay sa korean businessman na si Jee Ick-Joo.
Ipinag-utos ni PNP Chief Dir. Gen. Ronald Dela Rosa na ilagay sa “freezer” status si Dumlao at isinailalim sa kustodiya ng Headquarters Support Service.
Nangangahulugan ito na kailangan munang ipaalam ni Dumlao sa kanyang mga superior at samahan ng isang police escort kung nais niyang lumabas ng PNP headquarters sa Camp Crame.
Magugunitang inakusahan ni Sta. Isabel ang kanyang superior sa AIDG na nag-utos na patayin ang negosyante subalit itinanggi naman ito ni Dumlao.
By: Drew Nacino