Pinanindigan ng hepe ng Philippine National Police (PNP) General Trias Cavite na hindi binugbog ng kanyang mga pulis ang factory worker na di umano’y lumabag sa enhanced community quarantine (ECQ) rules.
Ayon kay General Trias Cavite Police Chief Marlo Solero, produkto ng pagtakas ng suspek na si Ronald Campo ang kanyang mga sugat sa katawan at mukha.
Sa sobrang kalasingan anya ng suspek ay kung saan saan ito bumagsak tulad ng swimming pool na walang tubig at mula rin sa bubong ng kapitbahay.