Sinisilip na rin ng Philippine National Police (PNP) kung may pananagutang administratibo ang hepe ng San Juan PNP sa inasal ng kanyang mga tauhan sa checkpoint, papasok ng Baguio City.
Ayon kay PNP Chief, General Archie Gamboa, inatasan na niya si Colonel Jaime Santos na magbigay ng kanyang paliwanag kung ano ang ginawa nito matapos mapag-alaman ang insidente.
Magdedesisyon aniya sya kung hangang saan ang pananagutan ni Santos sa pag-usad ng imbestigasyon.
Sinabi ni Gamboa na pinag-aaralan rin ni Baguio City Mayor Benjamin Magalong ang pagsasampa ng kaso laban kay PNP Deputy Chief of Administration Camilo Pancratius Cascolan bilang commander ng administrative task force na nangangasiwa sa mga pulis na naka-deploy sa panahon ng quarantine.
Tungkulin aniya ng administrative task force na mag-isyu ng guidelines at protocols bilang gaya sa mga pulis na naka-deploy sa ibaba.