Sinibak sa puwesto ni Philippine National Police (PNP) chief P/Gen. Archie Gamboa ang hepe ng Puerto Princesa City Police na si P/Col. Marion Balonglong.
Ito’y makaraang masangkot si Balonglong sa umano’y pangmamaltrato sa isang tauhan ng Department of Environment and Natural Resources (DENR).
Ayon kay PNP spokesman P/BGen. Bernard Banac, iniutos mismo ni Gamboa ang pagsibak kay balonglong matapos makarating sa kaniya ang reklamo laban dito.
Dagdag pa ni Banac, iginiit ng PNP chief na seryoso ang alegasyon laban kay Balonglong kaya’t kinailangan niya itong sibakin upang imbestigahan.
Pinatututukan din ni Gamboa kay Police Regional Office 4-B P/BGen. Nicerio Obaob ang imbestigasyon laban kay Balonglong sa pamamagitan ng paghahanap ng matibay na ebidensya at mga testigo.